Inaasahang iaanunsyo ngayon ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang desisyon kung tatanggalin na ang enhanced community quarantine (ECQ) na magtatapos sa Biyernes, May 15.
Ayon kay COVID-19 Response Deputy Chief Implementeor Vince Dizon, ang desisyon ng Pangulo ay nakaangkla sa tatlong istratehiya; ang test, trace at treat strategy.
Ibinase rin anya ito sa rekomendasyon ng mga eksperto mula sa Department of Health (DOH), pribadong sektor, academe at mga miyembro ng task force.
Sinabi ni Dizon na sa ngayon ay nasa mahigit 7,000 kada araw ang testing capacity ng bansa subalit kaya nila itong mapataas ng hanggang 15,000 araw-araw sa Biyernes.
Dalawang linggo anya ang backlog ng mga laboratoryo subalit masosolusyonan na ito sa pagbubukas ng mas marami pang laboratoryo ng pribadong sektor.