Tiniyak ng Malakanyang na dedesisyunan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng linggong ito kung aalisin o pahahabain pa ang enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nais ng Pangulo na madesisyunan ito agad upang mapaghandaan.
Sa ngayon aniya ay 50/50 ang tsansa na tanggalin ang ECQ.
Kaninang umaga ay iprinisinta na ng technical working group sa Inter Agency Task Force (IATF) ang ginawa nilang pag-aaral kung aalisin o pahahabain ang ECQ.
Ayon kay IATF Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, posibleng hanggang bukas ay maisumite nila ito sa Pangulo.
Ang rekomendasyon anya ay ibinase sa limang parameters tulad ng epidemiology factor, testing capacity, social, economic at peace and order factors.
The final decision ni Pangulong Duterte, kaya puro recommendation lamang ito ultimately si Pangulong Duterte lang ang magdedesisyon. Ang hiningi ko lang sa ating mga kababayan anuman ang maging desisyon ng ating Pangulo, alam ninyo na ito ay base sa mga parameters na nai-set na natin kaya abangan na lang natin kung anuman ang maging desisyon niya at hilingin ko lang din na lahat tayo ay sumuporta,” ani Nograles.