Posibleng ilabas na ng Banaue Regional Trial Court ang desisyon nito hinggil sa inihaing motion for reconsideration ngayong linggo.
Ito’y may kaugnayan sa hirit na magpalabas ng Temporary Restraining Order o TRO laban sa tinaguriang photobomber ng Banaue rice terraces.
Ayon kay Atty. Placido Wachayna, kintawan ng oppositor sa pitong palapag na parking building, pursigido silang iakyat sa mas mataas na korte ang kanilang apela.
Binigyang diin ng abogado na bukod sa nakasisira ng tanawin sa tinaguriang Seven Wonders of the World, walang pangangailangan para ipatayo ang parking building sa lugar.
Kasunod nito, nanawagan na rin ang grupo ni Wachayna sa National Commission on Culture and Arts at kay Mayor Jerry Dalipog na suspendihin muna ang pagpapatayo sa nasabing gusali habang gumugulong pa ang dayalogo hinggil dito.
By Jaymark Dagala