Posibleng malaman na sa susunod na linggo ang desisyon ng pamahalaan hinggil sa mungkahing gawing requirement ang booster shot sa mga indibidwal na ikinukunsiderang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Tiwala si Health Secretary Francisco Duque III, na papayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang iminumungkahing polisiya, at umaasa siyang susuportahan ito ng mga eksperto.
Magugunitang iminungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na baguhin o i-redefine ang terminong “fully vaccinated”, na tinutulan naman ng ilang eksperto.
Giit ng kalihim, kailangang magkaroon ng booster shot at problema na lamang aniya na maisama ito sa polisiya hinggil sa kumpletong bakuna.
Sinabi pa ni Duque na hindi na dapat hintayin ng publiko na magkaroon ng panibagong surge ng virus bago magpa-booster shot.