Pinapurihan ng US ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin sa ikatlong pagkakataon ang suspensyon ng pagbasura sa visiting forces agreement (VFA).
Ayon sa US embassy sa Maynila, hindi lamang kontribusyon sa seguridad ang hatid ng alyansa ng Pilipinas at Amerika, pinalalakas din nito ang kaayusan sa lahat ng bansa sa Indo-Pacific.
Lunes nang i-anunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr ang desisyon ni Pangulong Duterte habang pinag-aaralan ang kasunduan partikular ang ilang probisyon.
Hunyo noong isang taon nang unang suspendihin ang VFA termination na sinundan noong Nobyembre. — Sa panulat ni Drew Nasino.