Inaasahan na umano ang paborableng desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa iniharap nating kaso reklamo laban sa China kaugnay ng Territorial Dispute sa West Philippine Sea.
Ayon kay Senador Tito Sotto, ang importante ngayon ay igalang at kilalanin ng China ang naging ruling ng International Tribunal.
Sa panig naman ni Senador Kiko Pangilinan, sinabi nito na ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration ay maaaring magsilbing panibagong panimula sa naantalang diplomatikong relasyon sa pagitan ng China at Pilipinas.
Binibigyan nito ang Pilipinas ng equal footing sa inaasahang bilateral talks sa China.
By: Meann Tanbio