Magsisilbing pundasyon ng proseso ng negosasyon sa pagitan ng China ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration na nagbabasura sa Nine Dash Line Claim ng China sa West Philippine Sea.
Ito ang sinabi ng tagapagsalita ng Deparment of Foreign Affairs na si Assistant Secretary Charles Jose.
Ayon kay Jose, umaasa siya na magiging susi ang Future Negotiation sa mapayapang pagresolba sa alitan sa karagatan.
Sa kabila ito ng paulit-ulit na pahayag ng China na hindi nito kikilalanin ang hatol ng Permanent Court of Arbitration.
By: Avee Devierte