Sinisikap ng Department of Agriculture (DA) na silipin ang kakulangan ng suplay ng pulang sibuyas sa gitna ng pagtaas ng presyo nito kada kilo sa ilang palengke.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista, batay sa datos na pinagsama ng Bureau of Plant Industry na sapat ang suplay ng sibuyas.
Nasa 17,000 metriko tonelada anya ang kinakailangan ngayong buwan at kung tinitignan ng kagawaran, mukhang sapat ito.
Kasalukuyang nasa 13,000 na metriko tonelada ng mga pulang sibuyas ang nasa imbentaryo ng ahensya habang aabot sa limang libong metriko tonelada ang ani ng mga magsasaka ngayong buwan.
Samantala, wala pang desisyon ang DA kung mag-aangkat ng pula at puting sibuyas habang hinihintay ang rekomendasyon ng Bureau of Plant Industry. —sa panulat ni Jenn Patrolla