Babantayan naman ng Presidential Task Force on Media Security ang kaso ng pagpatay sa environmentalist at mamamahayag na si Doc. Gerry Ortega.
Kasunod ito ng naging desisyon ng Court of Appeals na payagang makalaya si dating Palawan Governor Joel Reyes na siyang pangunahing akusado sa naturang kaso.
Ayon kay Presidential Communications Usec. Joel Egco, nagkausap na sila ni Solicitor General Jose Calida at kanilang iimbestigahan ang pinag-ugatan ng naturang desisyon.
Una nang kinumpirma ng isang source ng DWIZ mula sa Appelate Court na nakatakdang magretiro si Associate Justice Normandie Pizarro na nagponente o sumulat ng desisyon na nagpapalaya kay Reyes.
Ito, ayon kay Egco ang kanilang bubusisiin at kanilang pagtutuunan ng pansin upang mailatag ang mga ligal na hakbang para idepensa ang pamilya ng biktima.