Kukuwestyunin ng PDP-Laban sa Korte Suprema ang desisyon ng Commission on Elections na katigan ang hirit na extension sa pagsusumite ng Statement Of Contributions and Expenditures.
Ayon kay Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, malinaw ang batas kaugnay sa pagsusumite ng SOCE na sinumang kandidato ang hindi makapagsusumite nito sa tamang panahon ay hindi maka-uupo sa pwesto.
Nagbabadya anyang hindi maka-upo sa pwesto ang susunod na Pangalawang Pangulo dahil sa kabiguan ng Liberal Party na makapagsumite ng SOCE sa deadline.
Miyembro si Vice-President-elect Leni Robredo ng Liberal na kabilang sa mga partidong nabigong magsumite ng SOCE sa deadline noong June 15 subalit nagsumite naman si Robredo ng hiwalay na SOCE sa COMELEC.
By: Drew Nacino