Hinihintay na ng mga Alkalde sa NCR ang abiso ng DOH at medical experts kaugnay sa pagpapahintulot sa mga batang lumabas ng bahay sa gitna ng banta ng COVID-19 delta variant.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, nagpasya ang Metro Manila Council (MMC) na pakinggan muna ang magiging rekomendasyon ng mga eksperto at DOH,na magpupulong mamayang hapon.
Matapos anya nito ay magko-convene ang MMC upang maglatag ng pinal na desisyon kung sususpendihin o hindi ang polisiya na nagpapahintulot sa outdoor activities ng mga batang edad lima pataas.
Una nang inaprubahan ng MMC ang resolusyong nag-u-utos sa mga local government unit sa NCR na magtalaga ng mga child-friendly zone.—sa panulat ni Drew Nacino