Posibleng lumabas na ang desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa petisyong umento sa sahod ng mga manggagawa sa darating na Mayo.
Ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, kasalukuyan nang kumikilos ang mga regional wage board sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Aniya, nagpababa na rin kasi ng kautusan si Labor Secretary Silvestre Bello III ng kautusan na pabilisin ang proseso at nagbigay na rin sila ng gabay sa mga regional wage board.
Kaugnay nito, nagpasa ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para sa karagdagang P470 mula sa kasalukuyang P537 daily minimum wage ng mga manggagawa sa National Capital Region. – sa panulat ni Abie Aliño-Angeles