Inaasahang ilalabas ngayong linggong ito ng Department of Tourism (DOT) ang desisyon kung dapat suspindihin o hindi dahil sa paglabag sa health protocols ang hotel sa Makati City kung saan natagpuang patay ang flight attendant na si Christine Dacera.
Ayon ito kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat matapos imbestigahan ang City Garden Grand Hotel sa pagtanggap ng guests para sa leisure purporses kahit may pandemya.
Ika-5 ng Enero nang magpadala ng show-cause order ang DOT sa nasabing hotel para ipaliwanag sa naging hakbangin nito dahil malinaw sa regulasyon na hindi ito maaaring gawin ng mga establishment na ginamit bilang quarantine o isolation facility.
Kasabay nito, hinimok ng national government ang kongreso na magpasa ng mga panukalang mag-eexempt trafficking in persons mula sa anti-wire tapping law, mapalawig ang sakop ng Inter-Agency Council Against Trafficking at mapalakas ito sa pamamagitan ng dagdag na mga tauhan at pondo.