Posibleng ilabas na ng International Tribunal bago matapos ang taon ang desisyon nito ukol sa reklamo ng Pilipinas hinggil sa patuloy na reclamation ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang naging pagtaya ni Senate President Franklin Drilon.
Sinabi ni Drilon na sa oras na magkaroon na ng desisyon ang International Tribunal, malalaman na aniya kung sino ang tama sa mga bansang pinagtatalunan ang West Philippine Sea.
Giit ni Drilon tama lamang ang hakbang ng gobyerno na ipaglaban ang ating posisyon sa isyu sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan.
Samantala, binigyang diin ni Drilon na hindi dapat makisali ang Pilipinas kung nagkakairingan ngayon ang China at Amerika dahil sa mahina ang ating Sandatahang Lakas kung itatapat aniya sa China.
By Ralph Obina | Cely Bueno (Patrol 19)