Naniniwala si Senate President Koko Pimentel na mahihilot pa ang Kamara sa naging desisyon nito na bigyan ng tig-isang libong pisong pondo ang Commission on Human Rights, National Commission on Indigineous People’s and Energy Regulatory Commission.
Ayon kay Pimentel, hindi makatwiran na bigyan ng katiting na budget dahil apektado nito ang operasyon at mismong mandato ng naturang mga ahensya.
Naniniwala pa rin si Pimentel na sa gagawing bicameral conference sa 2018 national budget ay mananaig pa rin compassion at gagawin ng lahat ng mambabatas ang makabubuti sa lahat.
Agad naman itong kinontra ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Aniya, pinanindigan nila ang kanilang pagtapyas ng budget sa nasabing mga ahensya at hindi basta – basta magpapa-impluwensya sa mga senador.
—-