Hindi makakaapekto sa magiging desisyon ng Kamara sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN ang inisyung alias cease and desist order (CDO) ng National Telecommunications Commission (NTC).
Nilinaw ito ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chair Jose Antopnio Sy Alvarado matapos ipahinto ng NTC ang broadcast operations ng Sky Direct pati na rin ang digital television transmission ng ABS-CBN sa TV plus gamit ang channel 43.
Sinabi ni Alvarado na tanging sa mga gumagamit lamang ng nasabing serbisyo ang maapektuhan ng alias CDO ng NTC.
Wala naman aniyang pagkakaiba ang pagkakaruon at kawalan ng CDO dahil may 5 pa lamang ay paso na aniya ang prangkisa ng media giant.