Binigyang diin ng Commission on Elections na wala silang En Banc Resolution na nagsasaad ng pagpapaliban ng Barangay Elections sa Oktubre.
Ito ang pahayag ng COMELEC sa kabila ng naunang panawagan ni Chairman Andres Bautista kay Incoming President Rodrigo Duterte na ipagpaliban na muna ang Barangay Elections dahil sa Political Fatigue na kanilang naranasan sa paghahanda ng katatapos lang na MAY 9 elections.
Sinabi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, hindi COMELEC ang magpapasya kung maaaring ipagpaliban ang Barangay Elections.
Sa halip, ang kongreso, aniya, ang dapat na umaksyon at magdesisyon hinggil sa kung itutuloy ba ito o hindi.
By: Avee Devierte