Kumpiyansa si Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel na irerespesto ng Korte Suprema ang pasya ng Kongreso na hindi na magsagawa ng joint sesssion kaugnay sa idineklarang Martial Law sa Mindanao.
Ito ay sa gitna ng gaganaping oral arguments ng Korte Suprema para talakayin ang mga inihaing petisyon ng daan-daang mga abogadong humirit na magsagawa ng joint session ang Kongreso ngayong linggong ito.
Ayon kay Pimentel, positibong papabor ang Korte Suprema sa naging pasya ng mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso kaya walang dapat na ipag-alala.
Matatandaang dumulog sa katas-taasang korte ang naturang mga abogado matapos na magkahiwalay na aprubahan ng Senado at Kamara ang deklarasyon ng Martial Law at ibasura naman ang hirit na joint session.
By Rianne Briones
Desisyon ng Kongreso sa Martial Law irerespeto ng SC—Koko was last modified: June 12th, 2017 by DWIZ 882