Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pag-aaralan nilang mabuti ang naging desisyon ng Las Piñas Regional Trial Court na absweltuhin ang anak ni Justice Secretary Jesus Remulla na si Juanito Remulla III, dahil sa kasong Illegal Possession of Drugs.
Ayon sa PDEA, kailangan nilang malaman ang mga dahilan sa likod ng pagpapawalang-sala.
Tiniyak naman ng ahensiya na gagawin nila ang angkop na paraan at ulitin ito sa mga kaso sa hinaharap.
Matatandaang kahapon nang pinawalang-sala ng Las Piñas City Regional Trial Court Branch 197 ang nakababatang Remulla, at sinabing walang malinaw na ebidensiyang taglay nito ang umano’y nasamsam na ilegal na droga.