Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang desisyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na itigil ang house visit sa ilang mamamahayag.
Ayon sa CHR, kinikilala nito ang pagsisikap ng kapulisan upang masiguro ang kaligtasan ng media workers.
Pero nagpaalala ito sa mga law enforcement officers na balansehin pa rin ang intensyong bigyang proteksyon ang media.
Iminungkahi naman ng CHR na mabuting magsagawa ng regular na koordinasyon sa mga media organisations at iba pa upang maisulong ang pangangalaga sa karapatan at kaligtasan ng mamamahayag.
Matatandaang ilang miyembro ng media ang binisita ng mga pulis sa kanilang mga tahanan para kamustahin ang kanilang kalagayan matapos ang pagpaslang sa broadcaster na si Percival Mabasa.