Dapat magsilbing leksyon at babala sa mga opisyal ng gobyerno ang findings ng Office of the Ombudsman na may probable cause para kasuhan ng graft ang mga dating opisyal ng D.O.T.C. na sangkot sa maanomalya umanong maintenance contract ng MRT.
Ito ang inihayag ni Senate Committee on Public Service Chairperson Grace Poe makaraang ikalugod ang findings ng Ombudsman dahil bahagi ito ng paglaban at pagpapanagot sa mga palpak, tiwali at hindi maingat na mga public official sa paggampan ng tungkulin.
Ayon kay Poe, ang desisyon ng tanodbayan na kasuhan ng sina dating D.O.T.C. Secretary Jose Abaya ay isang paalala sa mga may pwesto sa pamahalaan na ang kasong graft ay seryosong offense.
Bagaman bailable ang nasabing kaso, dapat anya itong magsilbing leksyon sa mga nanunungkulan sa pamahalaan dahil sila ang mananagot sa bawat kontrata na kanilang pinapasok sa ngalan ng sambayanang Filipino sakaling agrabyado ang taumbayan.