Itinanggi ni Commission on Elections o COMELEC Chairman Andres Bautista na umaasa pa siyang tatanggihan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbibitiw sa puwesto kayat hindi irrevocable ang kanyang isinumiteng resignation letter.
Ayon kay Bautista, hindi pumasok sa kanyang isipan na pipigilan siya ng Pangulong Duterte.
Ipinahiwatig ni Bautista na nais niyang bigyan ng pagkakataon ang Pangulo na desisyunan kung hanggang kelan siya mananatili sa kanyang puwesto.
Ang isinumiteng resignation letter ni Bautista sa Pangulo ay epektibo sa katapusan ng 2017.
Sinasabing ang hindi pagiging irrevocable ng resignation ni Bautista ang dahilan kaya’t inimpeach pa rin siya ng Kongreso sa kabila ng kanyang pagbibitiw sa puwesto.
“Bilang paggalang sa kanya, you give him option and then you let him decide kung ano ba para sa kanya ang pinakamabut para sa ating bayan, kumbaga gusto ko rin siyang bigyan ng pagkakataon na pag-isipan ang aking pagbibitiw, pero as I said maliwanag at very cordial ang aming usapan ni ES, I know that the President knows about it.” Pahayag ni Bautista
—-