Welcome sa DEPED ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang pilot implementation ng limitadong face-to-face classes sa mga low risk area.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, isang magandang senyales ang pagbabalik ng limitadong face-to-face classes sa sektor ng edukasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nasa isandaang pampublikong paaralan at dalawampung pribadong paaralan anya ang target para sa pisikal na klase.
Nilinaw naman ni briones na iba ang face-to-face na konsepto ngayon sa face-to-face na noon lalo’t ini-schedule ito nang husto at mahigpit na imomonitor maging ang kilos ng mga estudyante.
Ang class size sa limitadong face-to-face classes ay may kapasidad lamang na 12 hanggang 20 mag-aaral sa loob ng apat na oras.
Naka-depende naman ang pagsisimula ng pilot limited face-to-face classes sa paghahanda ng Local Government Units at pahintulot ng mga magulang.—sa panulat ni Drew Nacino