Hinihintay pa ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sesertipikahan nitong urgent ang panukalang pag-amiyenda sa umiiral na baseline law.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kanila nang natanggap ang mungkahi ni Dating Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza kaugnay nito.
Magugunitang sinabi ginawa ni Jardeleza ang panukala upang mapatatag ang claim ng Pilipinas sa agawan ng teritoryo nito sa China sa West Philippine Sea.
Gayunman, sinabi ni Roque na wala pa silang nakukuhang feedback mula sa punong ehekutibo subalit patuloy ang ugnayan sa pagitan nila Jardeleza at mga abugado mula sa tanggapan ng Pangulo..—ulat mula kay Jopel Pelenio