Nanindigan ang kampo ni Vice President Leni Robredo na walang bigat ang inihaing electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos.
Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, legal counsel ni Robredo, tila nagfi-fishing expedition na lamang ito sa paghahain ng kanyang reklamo sa Presidential Electoral Tribunal (PET).
Kaya naman, naghain kahapon ang kampo ni Robredo ng motion for reconsideration para bawiin ng PET ang pasya nito na ituloy ang pagdinig sa inihaing protesta ni Marcos.
Ngunit nilinaw ni Macalintal na bagama’t normal lamang na proseso ang naging pasya ng PET, wala aniyang epekto ang naging pasya ng PET sa kaso ng Pangalawang Pangulo.
By Jaymark Dagala