Nagpasalamat si UN Resident Coordinator and Humanitarian Coordinator Gustavo Gonzales sa naging desisyon ng Pilipinas na tumanggap ng Afghan refugees.
Ayon kay Gonzales, ang hakbang na ito ay nagpapakita ng pakikiisa ng mga Pilipino.
Nitong Miyerkules nang i-anunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na tumanggap na ang Pilipinas ng unang batch ng Afghan refugees kung saan kabilang dito ang mga kababaihan at mga bata.
Nangako naman ang UN ng tulong at suporta sa mga refugee na may mga kinakailangan pang requirements.
Matatandaang nitong Agosto ng kubkubin ng taliban ang Afghanistan ilang araw lamang matapos i-pull out ni US President Joe Biden ang libo-libong american troops sa nasabing bansa.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico