Binaliktad ng Korte Suprema ang desisyon ng Sandiganbayan na ibasura ang kasong graft laban kay Senador Lito Lapid at mga kapwa akusado nito.
Ang kaso laban kay Lapid ay nag ugat sa 728 million fertilizer scam.
Kinatigan ng Sandiganbayan noon ang mosyon ni Lapid na ibasura na ang kaso dahil sa sobra sobrang pagka antala ng imbestigasyon.
Gayunman, sa desisyon ng Korte Suprema, pinuna nito na hindi maituturing na naantala ang imbestigasyon ng Ombudsman dahil gumagalaw naman ang kaso.
Inatasan ng Supreme Court ang sandiganbayan na ituloy ang paglilitis kay Lapid at tatlong iba pa.