Malabong baliktarin ng Korte Suprema ang kanilang desisyon pabor sa inihaing Quo Warranto Petition laban kay Ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ang pananaw ng malakanyang kasunod na ring inaasahang paghahain ng apela ni Sereno.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t tanging ang kataas taasang hukuman lamang ang makakasagot sa apela, naniniwala silang mahigpit na pinagisipan ng mga mahistrado ang kanilang naging desisyon.
Samantala kinontra naman ni Roque ang pahayag ng ilang mga kritiko na nabigyan ng kapangyarihan ang Solicitor General na mapatalsik ang mga opisyal ng pamahalaan kabilang ang mga impeachable officers sa pamamagitan ng Quo Warranto kasunod ng naging pasiya ng Korte Suprema.