“Mismong ang Korte Suprema na ang nagsalita.”
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos mapatalsik sa pwesto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng botong 8-6 ng mga mahistrado pabor sa Quo Warranto Petition.
Ayon kay Roque, bilang isang co -equal branch ng gobyerno, tungkulin ng Korte Suprema na sundin ang nakasaad sa konstitusyon.
Patunay lamang anya ito na sadyang ang Supreme Court lamang ang pinaka-makapangyarihan at nagsasabi kung ano ang pinaka-batayan ng batas sa bansa.
Ngayong mayroon ng desisyon, iginiit ni Roque na mas maiging igalang ang naging hatol ng S.C.