Hinihintay maging ng United States government ang magiging pasya ng Korte Suprema ng Pilipinas hinggil sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
Ayon kay US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg, umaasa silang mabibigyang linaw ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at ng Pilipinas sa pagpapalakas ng ugnayang military.
Iginiit ni Goldberg na maganda ang mga nakalatag na plano sa nasabing kasunduan at kanila itong ipatutupad sakaling ideklarang naaayon sa Saligang Batas.
Sa ilalim aniya ng kasunduan, binibigyan ng greater access ang Estados Unidos sa Pilipinas sa mga kampo militar gayundin sa pagtatayo ng mga pasilidad tulad ng taguan ng armas.
By Jaymark Dagala