Nirerespeto ng Malakanyang ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa inihaing electoral protest ni dating senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, susundin nila anuman ang pasiya ng Korte Suprema na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal.
Hindi aniya hahadlangan ng Malakanyang ang trabaho at tungkulin ng Korte Suprema.
Dagdag pa ni Panelo, dapat na ring hayaan ang magkabilang kampo na magharap na lamang sa korte at ipresenta ang kani-kanilang mga argumento.