Ikinalungkot ni Vice President Leni Robredo ang desisyon ng Korte Suprema na pumapabor sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdnand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Giit ni Robredo, nakalusot man ito sa usapin ng ligalidad, hindi naman, aniya, ito kailanman tutugma sa usapin ng moralidad at sa diwa ng People Power Revolution.
Ayon sa Bise Presidente, hindi maghihilom ang sugat ng nakaraan kapag inihimlay si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Magsisimula lamang kasi, aniya, ang paghihilom ng sugat kung aaminin ng mga Marcos ang katotohan at bibigyang solusyon ang nakaraan.
Insulto, aniya, sa mga Pilipino ang pagtanggi ng mga Marcos na akuin ang responsibilidad sa mga kalupitan ng rehimeng Marcos.
Matagal na, anya, niyang kinokontra ang pagpapalibing sa diktador ng martial law sa sagradong lugar ng mga bayani.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal