Naglabas ng pahayag ang kampo ni dating senator at presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcsos kaugnay ng press release ng 1Sambayan.
Hinggil ito sa desisyon ng COMELEC na ibasura ang petisyon na nagpapakansela ng Certificate of Candidacy (COC) ni Marcos.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff at tagapagsalita ni Marcson, unequivocal at malinaw ang desisyon ng second division ng COMELEC dahil wala talagang false material representation si Marcos sa kaniyang COC.
Anila, ang maituturing na hindi matututulan batay sa COMELEC ruling ay nagsinungaling sa mga pilipino si 1Sambayan Co-Convenor retired SC Justice Tony Carpio at nag-commit ng injustice kay Bongbong Marcos.
Patuloy namang umaasa ang kampo ni Marcos ng pagkakaisa sa darating na panahon laban sa galit at pagkakawatak-watak.