Pinuri ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang desisyon ni Commission on Elections o COMELEC Chairman Andres Bautista na mag-resign.
Ayon kay PPCRV Chairman at dating COMELEC Commissioner Rene Sarmiento, malinaw na malinis ang intensyon ni Bautista dahil mas pinili nitong magbitiw sa halip na maging kapit-tuko sa pwesto.
Ang bansa anya ang pinaka-makikinabang sa naging hakbang ng COMELEC Chief dahil mangangahulugan ito na mas matututukan ng poll body ang magpatupad at mag-disenyo ng creative electoral reforms.
Nagbitiw si Bautista sa gitna ng kinakaharap nitong kontrobersya kaugnay sa kanya umanong tagong yaman na isiniwalat ng kanyang misis na si Patricia.
Ilang oras naman matapos mag-resign ay agad inimpeach ng Kamara ang poll body chief sa botong 137-75 habang may 2 abstention.
—-