Aabot sa P180-bilyon ang inaasahang mawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ).
Sa kabila nito ay kumbinsido sina Cong. Stella Quimbo at Cong. Joey Salceda na tama ang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na pagbigyan ang kahilingan ng health workers na ibalik sa mas mahigpit na quarantine ang bansa.
Ayon kay Quimbo, mababawi naman ang P12-bilyon araw-araw kapag mas mabilis nating naibalik sa normal ang sitwasyon at makabalik sa paghahanap-buhay ang mamamayan.
Sa panig ni Salceda, hindi anya dapat bigyan ng mas mataas na halaga ang ekonomiya kaysa sa health crisis.
Nawawala anya ng kumpiyansa ng mg negosyante kapag mayroong krisis at alam naman ng lahat kung gaano kahalaga ang confidence sa ekonomiya.