Samut saring komento mula sa mga netizen ang lumabas sa social media, ilang oras matapos ianunsyo ni Davao City Mayor Rodrigo duterte ang kanyang planong pagtakbo sa 2016 elections bilang pangulo.
Ilan sa mga taga suporta ni duterte ang nagbunyi sa posibilidad na makasali ang alkalde sa presidential race, habang ang iba ay nalungkot dahil nakapag desisyon na anya sila na suportahan ang ibang kandidato matapos hindi mag file ng certificate of candidacy si Duterte noong Oktubre.
Ang ilan naman, hindi pa rin naniniwala sa anunsyong ito ni Duterte. Anila, maghihintay muna sila hanggang opisyal nang makapag file ng COC ang alaklde bago nila ito paniwalaan.
Pero depensa ng ibang netizen, hindi madali ang desisyong tumakbo sa pagkapangulo kayat hindi rin daw nila masisi si Duterte sa urong-sulong na desisyon nito.
By: Jonathan Andal