Umani ng suporta sa Senado ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapatigil sa lahat ng maritime scientific exploration sa Philippine Rise.
Ayon kay Senadora Loren Legarda, Chair ng Senate Committee on Foreign Relations, kailangan aniyang protektahan at pangalagaan ang teritoryo ng bansa na nasa ilalim ng UNCLOS o United Nations Convention on the Law of the Sea.
Bagama’t ikinatuwa rin ni Senador Bam Aquino ang naging pasya na ito ng Pangulo, dapat pa rin aniyang magkaroon ng matibay na plano at panuntunan ang pamahalaan sa pagsasaliksik.
Pero sa kabila nito, sinabi ni Aquino na nais pa rin niya na magkaroon ng imbestigasyon upang kuhanin ang pananaw ng mga siyentipikong Pilipino hinggil sa mga ginagawang pananaliksik sa bahaging iyon ng karagatan.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio