Ikinalugod ng Department of Health (DOH) ang pasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang pinakahuling polisiya ng pamahalaan kung saan pinapayagan na ang paglabas sa bahay ng mga batang 10 hanggang 14 na taon gulang.
Ayon sa DOH, makatutulong ang naging desisyon ni Pangulong Duterte para mabigyan sila ng sapat na panahon upang makapagsagawa ng hindi bababa sa dalawang cycle ng genome sequencing sa ilang mga samples mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ito naman ay upang matukoy ang lawak ng transmission ng bagong variant ng COVID-19 matapos makapasok sa Pilipinas.
Matatandaang sa lingguhang ulat sa bayan ni Pangulong Duterte noong Lunes ng gabi, binawi ng nito ang pasiya ng IATF bilang pag-iingat dahil sa bagong variant ng COVID-19 na sinasabing nakaapekto maging sa mga bata.