Malalaman na sa Lunes, Marso 1-21, ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mungkahing 4-day work week.
Gayunman, ipinahiwatig ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na ibabase ng pangulo ang desisyon nito sa rekomendasyon ng economic cluster.
Una rito, sinabi ni Andanar na kailangang maging maingat sa pagsusuri ng naturang hakbang at dapat ding balansehin ang rekomendasyon.
Matatandaang inirekomenda ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ipatupad ang 4-day work week upang makatipid ang publiko sa gastos sa pagko-commute.