Welcome kay outgoing Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagtatalaga kay PDEA Chief Isidro Lapeña bilang kapalit niya sa posisyon.
Sa official Facebook page ni Faeldon, nagpahayag siya ng pasasalamat kay Pangulong Duterte at iginiit na hindi siya naging tiwali sa kanyang buong taon na pagseserbisyo sa gobyerno.
Ayon pa sa dating Customs Commissioner, para sa ikabubuti ng lahat ang naging desisyon ng Pangulo at tiniyak na patuloy pa rin niyang pagsisilbihan ang bansa at ang mga Pilipino.
Matatandaang ibinuyag ng Pangulo na tatlong beses ng naghain ng courtesy resignation si Faeldon bilang commissioner ng Customs.
Nauna rito , idinawit ang panglan ni Faeldon sa paglusot ng 6.4 na bilyong pisong halaga ng shabu sa Aduana.
By Arianne Palma