Kinatigan ng Malacañang ang desisyon ni Environment Secretary Gina Lopez na kanselahin ang 75 kontrata ng mga minahan na nasa watershed areas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, alinsunod sa Mining Act of 1995 ang pagkansela sa mga mineral production sharing agreements dahil ipinagbabawal ng batas ang mga minahan sa mga watershed forest reserve.
Gayunpaman, tiniyak ng gobyerno na susundin ang due process para sa mga maaapektuhang kumpanya.
Sinabi ni Abella na mag-i-isyu ang Department of Environment and Natural Resources ng show cause order sa mga nasabing mining company.
By: Avee Devierte