Desisyon ni US Pres. Trump na suspendihin ang foreign development aid, wala pang epekto sa Pilipinas
Tikom ang Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas kaugnay sa posibleng epekto ng desisyon ni US President Donald Trump na suspendihin ng 90 araw ang foreign development aid.
Ayon sa US Embassy, mas mabuti kung mismong sa White House na malaman ang magiging implikasyon ng nasabing kautusan ni US President Trump sa mga programa ng US government sa Pilipinas.
Batay sa nilagdaang executive order ng bagong Presidente ng Amerika, agarang ihihinto ang new obligations at disbursements ng development assistance funds.
Nabatid na sa website na foreignassistance.gov ng US department of state, nasa 144 million dollars ang nakalaan na pondo para sa iba’t ibang program sa bansa nuong nakaraang taon. – Sa panulatn i ni Kat Gonzales