Posibleng sa Hulyo na mailabas ang desisyon sa mosyon ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nakabinbin sa Korte Suprema.
Ayon sa source ng DWIZ, ito ay dahil sa iba’t ibang kahilingan ng mga associate justice hinggil sa pagsusulat ng kanilang dissenting opinion sa kaso.
Sinabi ng source na naisulat na ni associate justice Lucas Bersamin ang desisyon subalit hindi ito matalakay sa en banc session.
By: Katrina Valle