Ipinauubaya na ni MMDA Chairman Benhur Abalos sa mga Local Government Units o LGUs kung maglalabas ng bagong quarantine pass para sa pagsasailalim sa Metro Manila ng Enhanced Community Quarantine sa 6 hanggang 20 ng Agosto.
Ipinabatid ni Abalos na nakadepende sa LGUs ang pagbibigay ng instruksyon kung ano ang ginawa nuong unang nagpatupad ng ECQ sa NCR.
Samantala, nilinaw ni Department of Interior and Local Government o DILG Undersecretary Jonathan Malaya na kailangan pa rin magpakita ng quarantine pass sa Metro Manila.