Inaasahang ilalabas na bukas ng Commission on Elections (COMELEC) ang desisyon sa apela kaugnay ng mga inihaing disqualification (DQ) case laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior.
Ayon kay COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan, nilagdaan na ang tatlong consolidated cases pero nagpasya silang hintayin muna ang promulgation sa ikaapat na kaso na noong Huwebes lang natanggap ng en banc.
Bagaman promulgated at napirmahan na anya ang tatlong consolidated cases, dumating naman ang ika-apat na DQ case noong huwebes kaya’t nagpasya silang pagsabayin na lang ang release.
Una nang idineklarang special non-working holiday ang araw ng halalan ngayong lunes kaya’t kinabukasan na ilalabas ang desisyon ng poll body.
Ang mga petisyon ay inihain ng Akbayan Party-list, Partido Federal ng Pilipinas, Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law at Pudno Nga Ilokano.