Ipinagpaliban ng Korte Suprema ang paglalabas ng desisyon sa electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Sa halip na ngayong araw ay ini – reset ito sa October 8, Martes sa susunod na linggo.
Inireklamo ni Marcos ang malawakang pandaraya nuong 2016 vice presidential election na naging dahilan para matalo siya kay Robredo sa tinatayang 260, 000 votes.
Nais ng kampo ni Marcos na ideklarang ‘void’ ang pagkapanalo ni Robredo at magkaroon ng recount sa mga boto.