Bigo ang Commission on Elections na pagpasyahan ang hiling ng PDP-Laban Cusi Faction na muling buksan ang filing ng Certificate of Candidacy at ipagpaliban ang ballot printing para sa 2022 polls.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, bagaman ipinagpaliban ang pagpapalabas ng resolusyon, inaasahang reresolbahin ito ng En Banc sa susunod na linggo.
Tiniyak naman ni Jimenez na lahat ng issue ay malalimang tatalakayin sa susunod na pulong ng COMELEC En Banc.
Una nang inihayag ni Atty. Melvin Matibag, Secretary-General ng Pdp-Laban Faction ni Energy Secretary Alfonso Cusi, na naniniwala silang dapat payagang muli ng poll body ang filing ng COC habang nakabinbin ang ilang kasong naka-aapekto sa mga kandidato at Party-list.