Aminado ang Public Attorney’s Office (PAO) na puwede pang i-apela ng Sulpicio Lines ang desisyon ng Manila Regional Trial Court na pagbayarin sila ng danyos na P241.7 million pesos sa pamilya ng mga biktima ng paglubog ng MV Princess of the Stars noong June 21, 2008.
Gayunman, umaasa si Atty. Percida Acosta, hepe ng PAO na bibilisan ng Court of Appeals (CA) ang pagresolba sa kaso dahil mahaba na ang panahong ipinaghintay ng pamilya ng mga biktima.
Matatandaan na ituloy ng MV Princess of the Stars ang paglalayag noong June 21, 2008 sa kasagasagan ng pananalasa ng bagyong Frank, dala ang 849 katao kabilang na ang mga pasahero at crew.
Halos 600 sa mga biktima ang hindi na natagpuan hanggang ngayon.
“Puwede po tayong magpa-attach ng properties nila kung saka-sakali po, pero sana bilisan po ng Court of Appeals kung mag-aapela sila at ang Korte Suprema, sapagkat napakaliwanag naman po ng ebidensya dito sa kaso ng paglubog at pagtaob ng MV Princess of the Stars, kasi nakipag eye to eye sa typhoon itong barko kahit may broadcast na may bagyo doon sa Romblon.” Pahayag ni Acosta.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit