Hinatulang mabilanggo ng hanggang 40 taon ng walang parole ang walong miyembro ng mga angkan ng Ampatuan kasama ang halos 20 iba pa.
Guilty ang ibinabang hatol ni Judge Jocelyn Solis-Reyes sa maimpluwensyang angkan at mga tauhan nito sa 57 kaso ng murder.
Kabilang sa mga hinatulan sina Datu Andal “Unsay”Ampatuan Jr., Datu Anwar Sajid “Datu Ulo” Ampatuan, Datu Anwar “Datu Ipi” Ampatuan Jr. Manny Ampatuan, Zaldy Ampatuan at Misuari Ampatuan.
57 counts of murder. Number 1; the prosecution having established the guilt beyond resonable doubt of the following accused who are found to have acted as principal, they are hereby convicted and in sentence to suffer the penalty of imprisonment of reclusion perpetua without paroles pursuant to RA 9346,”
BREAKING: Quezon City Court hinatulang guilty sina Datu Andal ‘Unsay’ Ampatuan Jr., Datu Zaldy ‘Puti’ Ampatuan Jr., at iba pa sa 57 counts ng murder kaugnay ng Maguindanao massacre at may kaparusahang reclusion perpetua. pic.twitter.com/NW50x4tVoY
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 19, 2019
14 na pulis at isang kinilalang si Bong Andal naman ang idineklara ring guilty bilang accesories o mga kasabwat sa krimen.
Kabilang sa mga ito sina Police Inspector Michael Joy Macaraeg, PO3 Felix Eniate, PO3 Abibudin Abdulgani, PO3 Rasid Anton at iba pa.
They are hereby convicted and sentence to suffer the indeterminate penalty of imprisonment of six years of prision correccional as minimum to ten years and eight months of prision mayor as maximum,”
Bahagi ng pagbasa sa hatol sa Ampatuan massacre.
Naging mabilis ang pagbabasa ng desisyon para sa Ampatuan massacre case.
Itoy matapos mapagkasunduan ni Judge Jocelyn Solis-Reyes at mga abogado sa magkabilang panig na basahin na lamang ang dispositive portion ng desisyon.
Nais sana ng public at private prosecutors na basahin ang salient at dispositive portions para mas maging malinaw ang naging basehan ng desisyon.
Una rito, sinabi ni Judge Solis-Reyes na aabot sa 761 ang pahina ng kanyang desisyon kaya’t posibleng hindi matapos ng isang araw ang pagbabasa ng desisyon.
Samantala, ipinaliwanag ni Judge Solis-Reyes na consolidated partial decision ang kanyang inilabas dahil 80 pa sa mga akusado ang hindi pa naaaresto.