Inaasahang ilalabas ngayon ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang desisyon sa electoral protest ni dating senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon sa legal experts, dalawang scenario ang maaaring mangyari.
Una ay matalo ang protesta ni Marcos at ibasura ng Korte Suprema ang kanyang protesta.
Ikalawa ay mananalo si Marcos at uusad na sa susunod na lebel ang inihain nyang election protest laban kay Robredo.
Nilinaw ng mga legal experts na mananatiling Vice President si Robredo kahit pa manalo si Marcos sa round na ito dahil may nakabinbin pa syang petisyon para sa annulment of votes para sa Basilan, Lanao Del Sur at Maguindanao at may kontra-protesta rin si Robredo.